ϟ I like smelling new books

sodamnrelatable:

via sodamnrelatable

(Source: single-dad, via julienn3)

Craving for cheesecake :)) (Taken with Instagram)
0 notes   |   Reblog

ϟ SANA AKO NALANG ANG NAWALA :((

0 notes   |   Reblog

ϟ Love isn’t complicated, people are.

(Source: itsjjjjjsebastian)

0 notes   |   Reblog
610 notes   |   Reblog

Hi! Hello bhez! :) ahm, Happy Birthday! Ü

Wala talaga kong maisip na sabihin, sa totoo lang. Hindi pala, ibig kong sabihin, ‘di ko kasi alam kung saan ako magsisimula eh, ‘di ko talaga alam. ‘di ko rin alam kung paano kita babatiin. Haha, pero nabati naman kita :)

Well, eto na, siguro ganito nalang…

 

Si Eryza Mae Felipe, kaibigan ko, yung totoo, matalik na kaibigan, simula elementary, matalik ko na siyang kaibigan, grade 4 palang, childhood bestfriend ang peg para sa akin :) Kasi mga bata palang kami, siya na ang lagi kong kasama, tama ba? Chos. Haha. Dahil rin sa iisang school ang pinapasukan namin, at palagi rin kaming magkaklase. Ayon, grade 4, 5, 6, first year, hanggang ngayon, mag 2nd year college, siya pa rin ang best friend ko! Ü galing di ba? Magaling talaga. Haha.

(*commercial* Hindi ko talaga dinaan sa video, or kung ano man ‘tong pagbati ko sa’yo, ayoko kasing gumaya sa iba, tsaka hindi ko rin masasabi lahat ng gusto kong sabihin pag doon, ewan ko, basta. Haha Kaya dito ko nalang pinadaan, ayoko rin kasing makita pa ng maraming tao, lalo na ang mga kakilala natin no, ang kadramahan ko ng live, ‘di ko kakayanin, nahihiya ako eh. Haha :) alam mo yan, isa pa, wala akong tyaga mageeedit ng video ganun, in short, wala talaga akong tyaga. Haha)

Alam kong hindi mo pa 18th birthday para magkaganito ako, pero isang beses sa isang taon lang ang birthday natin, kaya sinulit ko na… :) pagkakataon ko na ‘to! Joke. Haha..

 

Namimiss ko na ‘to, hindi yung namimiss na dahil lang hindi mo lang nakita, in fact, nasa iisang school lang rin kami ngayong college, hindi nga lang kami pareho ng course. Namimiss ko siya dahil, namimiss ko, yung siya, yung kami, yung dati. Kasi, ang laki, ang laki na ng pinagbago ko, niya, lalo na ang friendship namin.

 

Sa totoo lang, ang dami ng nangyari sa atin, masasayang pangyayari at pati yung mga hindi magaganda, pero ‘di maiiwasan yun, parte yun ng pagkakaibigan eh. Palagay ko’y pinagdadaan talaga yun ng isang tao. Haha.

Ngayong birthday mo, gusto kong mag thank you, (parang ako ang may birthday eh, no? Haha) thank you kasi hanggang ngayon, nandiyan ka pa rin, nagttyaga sa akin, chos. Haha. What I mean is thankful ako, na kahit ngayon, magkahiwalay tayo, alam mo yun, hindi laging magkasama, hindi laging nakikita ang isa’t isa, dahil nga sa magkaiba tayo ng course at lalo na, hindi nagtatama ang oras natin, pati, napakalayo na ng bahay namin sa bahay niyo no. Haha. Pero kahit ganoon alam kong nandyan ka pa rin, na isang text lang o tawag eh maasahan kita, siyempre ganoon din naman ako no. Mukha lang hindi. Haha. Tulad ng lagi nating sinasabi sa bawat isa, tuwing pasko, bagong taon, birthday, at pati friendship day, hindi pinalagpas! Haha :) thank you rin kasi, sa dinami rami ng pinagdaanan natin, sa dami ng naging mga kaibigan natin, pati, sa maraming tao ng pumalit sa pwesto natin sa bawat isa, barkada at mga bagong kaibigan ngayon, eh ako pa rin ang tinuturing mong bestfriend mo. *bitin ba? Ek. Haha*

Gusto ko rin magsorry sa’yo, una, dahil tulad ng sinabi natin noon sa bawat isa, na hindi na tayo katulad ng dati, na hinayaan natin na may gap tayo sa isa’t isa. I know I can’t bring back the old us, yung sabi mo nga na tayong dalawa lang, yung nararaos natin yung araw na tayong dalawa lang ang magkasama, na masaya tayo sa set-up na ‘yon, na kapag may hindi kaya ang isa sa atin, nariyan yung isa para tumulong, para sumagip kumbaga. Pero sabi mo na rin na hindi na yun maiiwasan dahil nga sa marami ng dahilan para mahati yung atensyon ng bawat isa sa atin, na hindi rin naman maganda na tayong dalawa lang, na hindi tayo makihalubilo sa iba, but I just wanted to bring it back kahit papaano. Sa totoo lang, ‘di ko alam kung nasabi ko ‘to sa’yo, pero yun nga, personally, naiinggit talaga ako sa iba kong mga kaklase/kaibigan ngayon, at pati na sa mga kwento nila, or ng magbbestfriend na nababasa ko sa facebook, tumblr, o twitter, isama pa natin ang mga nababasa kong stories, haha. Na kahit ngayon, kahit katulad na natin sila, they make sure na nagkakasama sila, na comfortable pa rin sila sa isa’t isa, na daig pa ang magboyfriend, haha, nasasabi ang mga secrets, ang mga problema na kahit ganoon, eh hindi sila naiilang, na kahit may mga iba na silang kaibigan, e babalik at babalik pa rin sila sa best friends nila, kasi ako, seriously, iba na ang feeling ko eh, ‘di ko alam bakit, nahihiya na kasi ako magshare sa’yo, magsabi ng nararamdaman ko, ng problema at mga sikreto. Hindi na rin ako masyadong komportable kapag magkausap tayo, kahit nga sa text eh. Hindi naman ako sa nanunumbat o ano, pero eto na kasi yung chance para eto na nga, para simulan ko ng magsabi ulit sa’yo, ng mga nararamdaman at naiisip ko, and especially, maging komportable ulit. Na sobrang kagustuhan ko talaga na maging mag bestfriend ulit tayo, na hindi lang dahil sa bhez ang tawag natin sa isa’t isa kaya tayo magbestfriend, o kaya naman dahil lang may kailangan ako o ikaw, ayoko kasing matulad sa mga nababasa ko na mga blogs tungkol nga sa magbestfriend na one-sided lang, na akala nung isa bestfriend rin ang turing sa kanya, pero hindi pala.

Ang gusto ko lang naman sabihin eh, gusto ko talagang maibalik yung dati, pwede naman yun di ba, na magbestfriend tayo, na tayong dalawa ulit, kahit may iba tayong pinakikisamahan.

Pero ngayong birthday mo, ayoko namang maging malungkot ka, gusto ko lang talaga ‘tong sabihin sa’yo.

Eto, I promise I’ll do everything, yung makakaya ko, para maging tulad tayo ng dati, Okay lang naman yun ‘di ba, kahit nandyan yung barkada mo, yung barkada ko, at kahit may mga bago tayong nakilalang naging kaibigan ngayong college, I really want to be back as your bestfriend, yung bestfriend na everyday mong makakausap, yung kahit mababaw lang ang nangyari sa’yo ngayon, eh ikkwento o isshare mo na sa akin, syempre lalo na yung kapag may di magandang nangyayari, handa naman akong makinig eh, handang handa. Mas handa pa sa girl scout no! Haha. Na kapag may umaway sa’yo or kung bakit ka masaya na ang kasihayan mo eh, abot abot hanggang langit eh masabi mo sakin, lalo na yung tuluyan na nating makabisado ang bawat isa, na hindi limited lang ang alam mo sa akin, o ako sa’yo. Dahil alam mong kapatid na rin ang turing ko sa’yo.

Ayan, feeling ko super haba na nito, ayoko namang pagurin ka kababasa ng letter kong ito, haha. Ayon, siguro kung may ‘di man ako nasabi, itetext ko nalang. Hahaha.

Ulit, Happy Birthday ulit ulit bhez! Haha, I know you’re happy naman, but I wish you’ll be happier than you are right now, with the feeling of contentment and lots of love in your heart.

You know, I’ll just be here, you can call or text me anytime, promise, sasagot ako. Haha :)

and you know that I love you, I really do, you’re my bestfriend, one of the most important persons in my life, in my heart especially. And I miss you too, I’m hoping we can catch up, kasi ‘di pa naman late ‘di ba? Mahaba ba ang panahon, haha.

HAPPY BIRTHDAY BHEZ! I LOVE YOU SO MUCH! AND I MISS YOU TOO, SO MUCH! :** HOPING THAT GOD WILL SHOWER YOU MORE BLESSINGS BECAUSE I KNOW YOU DESERVE IT! :) HAPPY BIRTHDAY! :*

0 notes   |   Reblog

ϟ Minsan, hindi mo talaga maiiwasang magselos sa atensyong binibigay ng mga kaibigan mo sa iba na.

israelmekaniko:

Ganun talaga siguro kapag mahalaga sa’yo ang isang tao. Hindi mo maiwasang magselos kahit wala ka namang kahit anong ibang nararamdaman para sa kanya. Nagiging makasarili ka dahil natatakot ka na baka sa sobrang pagbibigay niya ng atensyon sa iba niyang kaibigan, ay tuluyan ka na niyang makalimutan.